Nagwagi ang isang Army Officer sa Miss USA.
Ang 22-anyos na si Alma Cooper na mula sa Michigan ay nangibabaw sa 50 iba pang mga contestant.
Mayroon siyang Masteral sa data science sa Stanford University.
Tinanghal naman bilang first runner up si Connor Perry ng Kentucky habang si Danika Christoperson ng Oklahoma bilang second runner up.
Si Cooper ay pangatlong humawak ng titulong Miss USA ngayong taon dahil sa pagbibitiw sa puwesto ng nanalo noong 2023.
Kinoronahan siya ni Savannah Gankiewicz ng Hawai na siyang nagmana ng titulo noong Mayo dahil sa pagbaba sa puwesto ni Noelia Voigt ng Utah bunsod ng mga kontrobersyal.
Ibinunyag ni Voit na nagkaroon ng “toxic work environment” kung saan nagkakaroon ng bullying at harassment na bigong kontrolin ng Miss USA organization.