Tinanggal na sa tungkulin ang isang opisyal ng Philippine Army matapos ireklamo nang umano’y pangmomolestiya sa isang aplikante na nais maging sundalo.
Kinilala ang nasabing opisyal na si Col. Rogelio Migote, deputy chief ng Army Human Rights Office.
Ayon kay Philippine Army spokesperson Lt. Col. Louie Villanueva, ipinatawag na si Migote nang matanggap nila ang reklamo.
Si Migote ay kasama sa mga opisyal na nangangasiwa sa recruitment ng mga tauhan ng Army.
Sa ngayon mananatili muna sa Philippine Army Holding Center ang opisyal habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Batay sa kwento umano ng complainant, humingi siya ng tulong kay Migote para matanggap na sundalo sa 61st Engineering Brigade.
Pero habang nasa opisina, ipinasubo umano ni Migote ang kaniyang ari sa aplikante at saka ito ipina-blowjob.
Napilitan umanong pumayag ang aplikante dahil sa pagtitiyak na matatanggap siya bilang sundao.
Sa susunod na linggo inaasahang lalabas ang resulta ng imbestigasyon sa reklamo laban kay Migote.