Binisita ni Philippine Army Chief, Lt.Gen. Cirilito Sobejana ang Army Special Operations Units sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at binigyang diin ang kanilang kahalagahan sa counter-terrorism effort ng gobyerno.
Pinulong ni Sobejana ang mga respective commanders at mga tropa ng Light Reaction Regiment (LRR), Army Artillery Regiment (AAR), Special Forces Regiment (Airborne) (SFR(A)) at 1st Brigade Combat Team.
Direktiba ni Sobejana na palakasin pa ang kanilang mga capabilities para pulbusin ang mga teroristang grupo.
Sa nasabing pulong, iginiit ni Sobejana ang kaniyang layunin na paigtingin ang Army capabilities para tapusin na ang mga teroristang grupo na patuloy sa paghasik ng karahasan.
Sinabi ni Sobejana mahalaga ang capabilities ng mga nasabing Army units para protektahan ang bansa mula sa internal and external threats.
“As the Army’s specialized forces against enemy threats, continue to put your utmost efforts in preserving peace and security in our country. We must strengthen our capabilities to find, fix, and finish the enemy and continue to exploit our gains protecting the nation and its people,” pahayag ni Lt. Gen. Sobejana.