Iginawad ni US President Donald Trump ang pinakamataas na parangal na Congressional Medal of Honor kay dating Staff Sgt. David G. Bellavia sa ginanap na seremonyas sa White House.
Kinilala ng gobyerno ng Estados Unidos ang kabayanihan ni Bellavia noong kasagsagan ng Battle of Fallujah sa Iraq.
Dahil sa naturang pagkilala, si Bellavia ngayon ang tanging US living serviceman na tumanggap ng pinakamataas o “highest military honor for actions” noong Iraq War.
“David today we honor your extraordinary courage, we salute your selfless service and we thank you for carrying on the legacy of American valor that has always made our blessed nation the strongest and mightiest anywhere in the world,†bahagi nang talumpati ni Trump.
Sinasabing naging malaking konsiderasyon sa pagpili kay Bellavia ay ang pag-aalay niya nang buhay alang-alang para sa kanyang mga tauhan nang ilunsad ang Operation Phantom Fury sa Fallujah noong taong 2004.
Bilang bahagi ng operasyon siya at ang kanyang squad ay ini-dispatch para sa search operation sa isang bloke na may 12 mga kabahayan upang tuntunin ang mga insurgents na nagtatago umano sa lugar.
Sinasabing sa unang siyam na mga bahay ay walang nakita ang squad pero pagsapit sa ika-10 bahay ay doon na sila na-ambush ng mga nag-aantay na mga kalaban.
Dalawang mga insurgents na armado ng machine guns ang walang humpay na nagpaputok sa kanila.
Dito nagtamo ng sugat ang ilang mga sundalong Kano sa unang bugso.
Hindi naman nawalan nang pag-asa si Bellavia at agad na gumanti ng “suppressing fire” para mapuwersa ng mga kalaban na magtago na naging daan upang makalabas ang mga sundalo sa building.
Matapos na makatawag ng suporta sa pagdating ng Bradley fighting vehicle upang magbigay din ng “suppressing fire,” nagdesisyon umano si Bellavia na bumalik sa building.
Sa kanyang pagsaliksik sa bahay doon niya napatay ang apat na mga insurgents habang isa naman ang kanyang natamaan din at sugatan.
Isa pa sa mga kalaban ang nakaharap niya ng hand-to-hand combat.
“David knew they had to get out. He fired back at the enemy without even thinking. David took over,†kuwento pa ni Trump sa seremonyas. “David often tells young people that Americans don’t want to fight but if someone picks a fight with us we will always win because we don’t fight for awards and recognition… We fight for love of our country, our homeland, our family and our unit and that’s stronger than anything the enemy has.â€
Ang ginanap na okasyon sa White House ay dinaluhan din ng ilang miyembro ng squad ni Bellavia na naging kasama niya 15 taon na ang nakakalipas.