-- Advertisements --

Binalewala na lamang ni singer-songwriter Arnel Pineda ang mga pekeng balita na ito ay nahatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa US.

Nagbunsod ang balita sa kumalat na video na ang bokalista ng bandang Journey ay nahatulan sa korte sa San Francisco ng life imprisonment at walang posibilidad na mabigyan ng parole.

Sa social media account ng singer ay ibinahagi niya ang video ng paglubog ng araw sa isang lugar sa Metro Manila.

Dahil sa kumalat na balita ay ipinagtanggol na lamang ito ng malapit niyang kaibigan na si Jenni Munar kung saan pinayuhan ang mga fans ng singer na huwag basta maniwala sa mga fake news.

Magugunitang naging laman ng balita si Pineda matapos na magdesisyon itong umalis sa bansa dahil sa hindi nagustuhan ng mga fans ang performance nito sa Rock in Rio Festival 2024 sa Brazil.

Pero tiniyak niya na ang bandang Journey ay magpapatuloy pa rin sa kanilang pagtugtog.