-- Advertisements --

Binuweltahan ni Journey singer Arnel Pineda ang bumatikos sa kaniyang kapatid na naaresto dahil sa iligal na droga.

https://www.instagram.com/p/CGDtWzhDvL1/

Sa kaniyang social media account, nanawagan ito sa bashers na lumabas at tignan ang sarili sa salamin.

Wala aniyang perpektong tao kaya hindi dapat manghusga.

Kasabay din nito ay pinasalamatan ng singer ang mga nagpaabot ng pakikiramay.

Magugunitang binatikos sa social media ang singer matapos na maaresto ang kapatid nito sa Quezon City.