-- Advertisements --

Hindi na rin maitago ni Arnel Pineda ang kaniyang pagkadismaya sa naging performance niya sa Brazil.

Umani kasi ng batikos ang Journey singer ng kantahin niya ang hit song ng grupo na “Don’t Stop Believing”.

Inami nito na nagkaroon ito ng problema sa kaniyang ear monitor kaya nahirapan itong makasabay sa banda.

Sa social media account nito ay pinasalamatan nito ang mga fans na mula pa noong Pebrero ay inantabayan ang kanilang concerts.

Hinamon nito ang mga fans na kapag umabot ng 1-milyon ang mag-comment na GO ay aalis na ito sa grupo.

Naging lead vocalist si Pineda sa grupo mula pa noong 2007.

Pinalitan niya ang original na vocalist na si Steve Perry.