BAGUIO CITY – Handog ng global Pinoy Rock icon at vocalist ng legendary rock band na Journey na si Arnel Pineda ang isang Christmas treat na alay nito sa mga naging biktima ng COVID-19 pandemic at typhoon Ulysses.
Sa naging pahayag ni Arnel sa Star FM Baguio, inamin nitong hangad niyang maging simbolo ng pag-asa ang kanyang awit at re-released single na “This Christmas” sa mga Pilipinong naapektuhan ng pandemya at pati na rin sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
“Since itong pandemic na ito ay nangyari this year, I need to release a Christmas song. Naisip ko talaga tong ‘This Christmas’ . Nakikipag-usap siya sa mga tao ngayon with regards sa current situation natin plus this typhoon. I really feel bad for our fellowmen na talagang nangangailangan ngayon ng mga relief goods para lang makaraos araw-araw. So ito yung kanta na to eh, we have to keep our hope alive,” wika ni Pineda.
Idinaan rin nito sa Star FM Baguio ang kanyang pasasalamat sa mga walang sawang sumusuporta sa kanya at sa bandang Journey.
“Thank you talaga and I’m very grateful for everything that you have done for me, all the support. I’m leaning on you guys. Mabuhay po kayo and God bless you guys.”