-- Advertisements --
migz zubiri
Sen. Migz Zubiri, president of the Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF)

Tiwala ang Philippine Arnis team na makakahakot sila ng maraming medalyang ginto sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Ayon kay Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri, ang pangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation, target nilang makasungkit ng hanggang 11 o 12 gold medals sa nalalapit na SEA Games.

Aminado ito na may mga pressure silang nararamdaman lalo na at sa bansa pa gaganapin ang malaking kompetisyon.

Kung maalala si Zubiri ay isa sa principal author ng Republic Act (RA) 9850 na nagdedeklara sa arnis bilang national martial art at sport sa Pilipinas.

Ang senador ay isa ring martial artist at eskrimador at dating kampeon noong kanyang kabataan pa.

Samantala sa ngayon binubuo ng 20 miyembro ang arnis team ng bansa.

Magsisimula ang competition sa Disyembre 1 sa Angeles University Foundation.