-- Advertisements --

Naglabas ng arrest warrant ang mga otoridad sa Mobile, Alabama para kay Los Angeles Lakers center DeMarcus Cousins dahil sa reklamong misdemeanor domestic violence.

Sa website ng Mobile municipal court, nakasaad doon ang third-degree harassing communications charge kontra kay Cousins, ngunit hindi na naglahad pa ng karagdagang mga detalye.

Una nang pumutok ang ulat na sasampahan daw ng reklamo ang NBA big man dahil sa umano’y pagbabanta nito sa dati nitong nobyang si Christy West noong nakalipas na linggo.

Sinabi umano ni Cousins na babarilin niya raw sa ulo ang kanyang ex-girlfriend sa isang phone conversation matapos na tumanggi ang huli na padaluhin sa kanyang kasal ang kanilang anak.

Kapwa naghayag na rin ang NBA at Lakers na kanilang iniimbestigahan ang report.