-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naniniwala si Bombo International Correspondent Marc Pleños, direkta sa Israel, na hindi mai-serve ang warrant of arrest na ipinalabas ng International Criminal Court laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ayon kay Pleños na walang Israeli na humuli sa kaniyang kababayan lalo na kay Netanyahu na walang ginawang masama.

Saksi umano si Pleños na self defense lamang ang ginawa sa Israel matapos ang ginawang pag-atake sa militanteng Hamas noong Oktubre 7, 2023 kungsaan may 4 na pilipino ang namatay habang may hinostage pa.

Ipinakita lang umano sa Israel na hindi ito papayag na basta na lamang sasaktan ang kaniyang residente at pati ang mga Filipino sa nasabing bansa ang naka-benipisyo nito.

Ang nasabing warrant of arrest ay nagpapakita na walang alam umano ang International Criminal Court sa nangyayari sa Israel.