ILOILO CITY – Hindi big deal sa mga Russians ang ibinabang arrest warrant ng International Criminal Court laban kay Russian President Vladimir Putin na siyang tinuturong nasa likod ng war crimes sa Ukraine.
Ayon kay Bombo Juan Paulo Prado, international correspondent direkta sa Moscow, Russia, sinabi nito tinatawanan lang ng iba ang arrest warrant dahil kagaya lang ito sa ibinabang desisyon sa ibang bansa na hindi naman ipinatupad.
Naniniwala naman ang mga Russians na dapat may gagawing imbestigasyon ang International Criminal Court na nagsasabi at nagpapatunay na mayroong kaugnayan si Putin sa nangyri sa Ukraine.
Napag-alaman na hindi kinikilala ng Moscow ang hurisdiksyon ng International Criminal Court, isang posisyon na ni-reaffirm ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov.