Posibleng ilalabas na International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant para sa mga responsable sa madugong drug war ng nakalipas na administrasyon.
Kampante si ICC Assistant Counsel Kristina Conti na mailalabas na ngayong taon ang mga warrant para sa mga responsable sa drug.
Ang pangunahing problema lamang aniya ay ang pagsisilbi at implementasyon sa mga warrant dahil nakadepende lamang ang ICC sa gobyerno ng bansa para tuluyan itong ipatupad.
Aniya, maaaring ilabas ang mga warrant laban sa ilang indibidwal kahit na nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon dito ng international body.
Sa panig ng ICC, pinaghahandaan na nila aniya ang isasagawang trial dahil dito papasok ang mas mabigat na papel ng ahensiya,
Kasama na rito aniya ang presentasyon ng mga ebidensya para patunayan ang mga indibidwal na responsable sa drug war na nagkasala talaga sila.
Maalalang naging pangunahing international issue ang kampanya ng nakalipas na administrasyon ni dating PRRD laban sa illegal drugs dahil sa kumitil ito ng libo-libong mga buhay.
Kabilang sa mga nagpatupad sa madugong kampanya ay si incumbent Senator Ronald De la Rosa na siyang umupo bilang PNP Chief pagkapanalo ni Duterte.
Una na ring kumalas o binawi ng Pilipinas ang membership nito sa Rome Statute noong March 2018 at iginiit noon ng dating pangulo na wala nang karapatan at kapangyarihan ang ICC para imbestigahan ang madugong drug war.
Sa panig ni PBBM, una na niyang pinapanindigan na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.