CAGAYAN DE ORO CITY – Mismo na ang mga abogado ng National Union of People Lawyers (NUPL) ang nagbigay-linaw na walang katotohanan ang paglutang ng impormasyon na naglabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa mga personalidad na nasa likod nang madugo na war on drugs policy sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.
Taliwas ito sa ipinag-pilitan mula sa kampo ni Duterte partikular sa umano’y tumatayong abogado nito na si Atty Harry Roque na mayroon silang hawak na impormasyon na anumang oras ay arestuhin na siya dahil sa reklamo na genocide at crime against persons.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni NUPL President Atty. Ephraim Cortez na lingid sa kanilang kaalaman na mayroong inihain na ICC complaint laban sa dating administrasyon ay wala pang warrant of arrests na inilabas.
Pag-amin ng NUPL president na bagamat nagpapatuloy ang ginawang ICC investigation patungkol sa mga akusasyon na inihain laban kay Duterte at mga personalidad na nasa likod pagtugis sa suspected drug pushers at users.
Paliwanag ni Cortez na lalabas lang ang mando de aresto kapag nakitaan ng sapat na basehan ng ICC na dapat paharapin sa criminal chamber ang mga personalidad na isinasakdal.
Magugunitang handa si Duterte humarap ng reklamo patungkol sa kanyang ipinapatud na palisya subalit hindi sa ICC bagkus ay mismong mga korte lang dito sa bansa.
Napag-alaman na umano’y nagkaroon ng lamat ang relasyong-politika ni Duterte at incumbent President Ferdinand Marcos Jr dahil isa ang ICC investigation ang pinakadahilan.