-- Advertisements --
Joma Sison file
Joma Sison

Hinikayat ng Malacañang ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) founding chairman na si Jose Maria Sison na unuwi ng bansa mula sa pagtatago sa The Netherlands para harapin ang kasong may kinalaman sa Inopacan massacre.

Kasunod ito nang inilabas na warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court laban kay Sison at 37 iba pang miyembro ng CPP-NPA na akusado sa pagpatay o execution sa ilang daang katao sa Leyte noong dekada otsenta.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat maging matapang si Sison na humarap sa paglilitis, mag-avail ng karapatang komprontahin ang mga nang-aakusa, at maghanda ng depensa sa sarili.

Gaya aniya ng ibang kasong nakabinbin sa korte, iginagalang ng Office of the President ang desisyon ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina kaugnay sa mass purging na ginawa ng NPA laban sa pinaniniwalaan nilang traydor sa kilusan.

Inihayag ni Sec. Panelo na kaisa sila sa pamilya ng mga biktima sa panawagan ng hustisya kasabay ng katiyakang isisilbi ng Ehekutibo ang warramt of arrest na ipinag-utos ng Hudikatura.

Inopacan massacre
Inopacan, Leyte mass grave (photo credit to SamarNews.com)

“The law is no respecter of any transgressor and prosecution therefor must proceed in accordance thereof. Mr. Sison, et al. will have their day in court,” ani Sec. Panelo.

“Mr. Sison should unchain himself from his exile and face the music. His illusive if not illusory dream of wresting political from the present dispensation should give way to a principled and courageous stand to face trial. He is welcome to come home to avail of his constitutional right to confront his accusers and prepare for his defense.”