-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakatangap ng arrival honors mula sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang abo ni Cadet 4th Class Jonash Bondoc na nakasilid sa urn pagdating sa Bancasi Airport nitong lungsod.

Kahapon ay may maikling programang isinagawa sa labas ng airport bilang pagsaludo sa nasabing kadete.

Sumalubong ang mga kaibigan at classmates ni Bondoc na sumisigaw na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.

Una nang natagpuan na wala ng malay sa loob ng comfort room ng isa sa barracks ng Philippine Merchant Marine Academy ang biktima na idineklarang dead on arival nang dalhin sa San Marcelino District Hospital.

Sa ngayo’y nakakulong at natanggal na rin mula sa akademya ang classmate nitong Butuanon din na si Cadet 3rd Class Jomel Gloria.

Si Gloria ay umaming dalawang beses niyang sinuntok ang dibdib ni Bondoc bago namatay bilang “celebration gesture” umano nang payagang makauwi sana sa Butuan City.