-- Advertisements --
Wala umanong katotohanan ang alegasyon ni Sen. Panfilo Lacson na minanipula ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang naratipikahang 2019 national budget.
Sagot ito ni kongresista ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nang tawagan siya ng tagapagsalita matapos ang press briefing sa Malacañang kung saan natalakay ang nasabing usapin.
Magugunitang inihayag ni Sen. Lacson na ginalaw umano ni Arroyo ang budget at nag-realign ng P25 million para paboran ang ilang mga kongresista.
Sinabi ni Sec. Panelo, tiniyak sa kanya ni Arroyo na kung ano ang ipinasang bersyon ng budget ng bicameral conference committee ay ito rin daw ang ipapadala sa Malacañang para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit daw ni Rep. Arroyo na wala siyang alam sa akusasyon ni Sen. Lacson.