-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagiging magkaibigan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang talumpati sa appreciation dinner ng 17th Congress, kagabi sa Manila Hotel, ipinakita ni Pangulong Duterte na kaibigan siya nito dahil sa mula ng maupo ito ay nagkaroon ng kalayaan ang korte na bumuto para tuluyang mabasura ang P366-million plunder case dahil sa paggamit nito ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa kaniyang termino bilang pangulo.

Pinasalamatan din ni Arroyo si Duterte dahil sa naging katrabaho siya nito sa loob ng tatlong dekada noong siya ay senador, Bise Presidente, Pangulo at Speaker.

Dinaluhan ng mga kaanak ni Arroyo at ilang mga malalapit na kaibigan maging mga dating gabinete nito.