Ibinunyag ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang planong maging consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.
Pahayag ito ng Arroyo kasabay ng kanyang selebrasyon ng ika-72 kaarawan nito ngayong araw.
Sinabi ng dating Pangulo, ito raw ay upang maipagpatuloy niya ang kanyang pagtulong sa kanyang pinagmulang probinsya.
“Sinabi ni (Pampanga) Governor (Lilia) Pineda na sabihin ko sa inyo na upang patuloy ko pa na matulungan ang Pampanga, ako ay magiging consultant ng probinsya,†wika ni Arroyo.
Nais din daw nitong maalala ng mga tao bilang pangulong nagdala ng malakas na pananalapi sa bansa matapos ang isang global crisis.
“I like to think that my legacy will center around restoring our country’s fiscal stability after the storms on financial crisis here and abroad. The restoration of fiscal stability was the platform for my program that built more and better infrastructures, and that reduced our poverty from 39 percent when I assumed the presidency, to 26 percent when I left the presidency,†dagdag nito.
Kasabay nito, sinabi ng Pampanga congresswoman na kanya raw itutuon ang kanyang pansin sa pagsulat ng kanyang talambuhay matapos itong bumaba bilang Ispiker sa Hunyo 30.