Nagsimula na ng magsagawa ng pagsusuri ang mga arson investigators para malaman ang pinagmulan ng Palisades Fire sa Los Angeles.
Ayon kay LA Fire Department Chief Kristin Crowley, na mayroong kabuuang 21 opisyal na kinabibilangan ng 16 arson investigators at isang aso na sinanay na mangamoy ng mga fire accelerant ang nakatutok sa kaso.
Kasalukuyang nasa limang katao pa rin ang naitalang nasawi sa sunog sa Palisade at Eaton.
Halos 200,000 mga residente ng nasabing lugar ang pinalikas kung saan nakabantay pa rin na mga otoridad para matiyak na nasusunod ang evacuation order.
Ilang katao na rin ang inaresto ng mga otoridad dahil sa ginawa nilang pagpasok sa mga kabahayan.
Ibinabala rin ng National Weather Service ng Los Angeles na mananatili pa rin ang malakas na hangin na siyang magdudulot ng paglakas ng apoy.
Sa inisyal na pagtaya ng mga otoridad na aabot sa mahigit $50-bilyon na ang damyos mula sa nasabing sunog.