-- Advertisements --

Isinagawa ang isang art exhibit sa Philippine Embassy ng Ottawa, Canada kung saan tampok ang galing ng mga Pinoy at Canadian artists.

May titulong “Postcards Across the Pacific” ang exhibit na ito ay naglalayong ipakita ang matibay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Canada.

Ipinakita ang mga kamangha-manghang lika sa halos 200 art enthusiats na pinuno ang Sentro Rizal Ottawa.

Ayon kay Ambassador to Canada Petronila Garcia, ang exhibit na ito ay upang ipakita ang mga dinanas ng mga migrants sa Canada at point of view ng mga artists sa kanilang buhay sa nasabing bansa.

“Through their eyes, we can appreciate how the many connections and interactions of different peoples can create beauty, foster understanding, and further strengthen relationships with each other,” dagdag ni Garcia.

Tampok din sa exhibit ang mga artists tulad nina Kristina COrre, Archimedes Cruzado, Christienne Cuevas, Christiane Mayo, Teresa Rozkiewicz at Joejene Santos. Ipinakita ng mga iyo ang iba’t ibang style ng abstract to portraiture at photorealism.

Tatagal hanggang April 2 ang exhibit.