Nilagdaan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) ang isang memorandum of understanding (MOU) upang higit pang mapabuti ang kadalian ng pagnenegosyo sa Pilipinas.
Sinabi ni ARTA Director General Ernesto Perez, ang European Chamber of Commerce ay awtorisado na tumanggap ng mga complaints at irerefer sa ARTA.
Sa ilalim ng MOU, magtutulungan ang dalawang ahensya sa pagpapahusay ng mga inisyatiba ng pamahalaan sa pamamagitan ng napapanahong pag-uulat ng impormasyon na may kaugnayan sa mga aktibidad sa pag-aayos at iba pang anyo ng red tape.
Ang European Chamber of Commerce of the Philippines ay magtatalaga din ng isang focal person na sertipikado ng ARTA, upang tanggapin ang mga reklamo at i-endorso ang mga ito sa ARTA.
Ang ARTA, sa kabilang banda, ay dapat magbigay ng pagsasanay, orientation at webinar sa European Chamber of Commerce of the Philippines at sa mga miyembro nito upang bigyan sila ng kapasidad habang sila ay tumatanggap ng mga reklamo para sa paglabag sa Ease of Doing Business Law.
Ang MOU ay nag-uutos din sa ARTA na tiyaking ang mga reklamong ineendorso ng ahensya ay naaaksyunan nang naaayon at natutugunan.