Pinakilos ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang kanilang central at regional field offices (RFOs) para magsagawa ng site inspection sa buong bansa.
Ito ay upang matiyak na isinusulong ng mga local government units (LGUs) ang pinabilis na paghahain at pagpapalabas ng business registration at renewal transactions.
Sinabi ito ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa hangaring matiyak na sumusunod ang mga LGU sa mandatoryong pagtatatag ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Ang electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) at iba pang katulad na online permitting system ay nagpapabilis sa paghahain at pagpapalabas ng mga aplikasyon sa pagpaparehistro at pag-renew ng negosyo.
Ang mandatoryong pagtatatag nito ay nasa ilalim ng mga kinakailangan sa automation ng Ease of Doing Business Act.
Kaugnay nito, pinuntahan ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director-General Ernesto Perez at ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) ang mga pamahalaang lungsod sa Metro Manila para i-validate ang kanilang compliance rito.
Sa mga lokal na pamahalaan na binisita ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), binigyan nila ito ng Certificate of Commendation dahil sa pag-set up ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) at pag-streamline ng kanilang business permits at licensing procedures.