Target ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang karagdagang 120 local government units (LGUs) sa buong bansa para ganap na makasunod sa electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) system ngayong taon.
Sinabi ng ARTA na ito ay magiging posible sa patuloy na paglulunsad ng tulong sa buong bansa sa mga LGU upang makasama sa eBOSS scheme.
Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay bahagi rin ng nationwide caravan para tulungan ang mga LGU na ipatupad ang nasabing sistema.
Ipinakita ng data ng ARTA na noong Peb.7, 633 sa 1,637 LGU ang nakassunod na sa eBOSS scheme.
Sa ilalim ng Republic Act 11032, o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, lahat ng LGU ay inaatasan na magtatag ng eBOSS bago ang Hunyo 17, 2021.
Kaya naman binalaan ng ARTA ang mga lokal na pamahalaan na hindi pa nakakasunod na dapat ay magpatupad na ng nasabing sistema.
Gayunpaman, sinabi ng ARTA na dapat sumunod ang mga LGU na ipatupad ang eBOSS system dahil kailangan nila ng techincal support pati na rin ang mga mapagkukunan upang maging digital ang kanilang mga proseso.
Para dito, sinabi ng ARTA na ang tanggapan ay nakipagtulungan sa mga conglomerates tulad ng Aboitiz Group at Manila Electric Company upang mabigyan ng hardware ang mga LGU para ilunsad ang sistema.
Layunin ng eBOSS scheme na i-streamline at i-automate ang mga proseso sa mga LGU sa buong bansa.