Posibleng ilabas na ngayong araw ng House Judiciary Committee ang articles of impeachment.
Sinabi ni House Majority Leader Steny Hoyer na iaanunisiyo nila ang resulta ng botohan para sa timing ng articles of impeachment ng mga Judiciary Committees.
Sakaling maaprubahan ng committees ang articles of impeachment ay kanila ito ng isusumite sa House floor para sa botohan sa susunod na linggo na magdadala sa pagpapa-impeach kay US President Donald Trump.
Kapag matuloy at nagtagumpay ang impeachment ay magiging pangatlo na si Trump na pangulo ng US sa kasaysayan na matatanggal.
Magugunitang pinagdedebatihan ng mga mambabatas ang dalawang impeachment charge na abuse of poer at obstruciton of congress dahil sa pagtawag nito sa Ukraine President para ipa-imbestiga ang katunggali nito na si dating US Vice President Joe Biden.