-- Advertisements --

Isusumite ngayong araw ng US House of Representatives sa senado ang articles of impeachments laban kay President Donald Trump.

Sinabi ni US Speaker Nancy Pelosi, na bahala ng mamili ang Senado sa pagitan ng constitution o kung kanilang pagtatakpan si Trump.

Dagdag pa nito na nararapat na malaman ng kanilang mamamayan ang katotohanan at dapat na magkaroon ng pagdinig.

Nagbanta pa ito na mananagot ang pangulo at mga senador na kumokonsinti sa kaso nito.

Posibleng masisimulan na ang impeachment trial ni Trump sa araw ng Biyernes.

Nauna ng sinabi ni Trump na ang reklamo sa kaniya ay walang kuwenta.

Nagbunsod ang reklamo sa pag-uusap nila ng pangulo ng Ukraine at pinapaimbestiga ang katunggali nito na si dating US Vice President Joe Biden.