-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating TV host na si Robert Alejandro sa edad na 61.

Kinumpirma ito itinaguyod niyang Filipino stationery brand na papemelroti.

Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye sa kamatayan ni Alejandro ang nasabing kumpanya.

Taong 2016 ng ma-diagnosed ito na mayroong colon cancer.

Kahit na nagka-colon cancer siya ay nagpasya itong huwag sumailalim sa chemotheraphy.

Ayaw niya kasing matulad sa bayaw niya ng dapuan ng skin cancer kung saan pumanaw ito matapos ang ilang buwang pagsasailalim ng chemotherapy.

Noong 2023 ng nakawan siya ng kinuha niyang personal na caregiver at nakulimbat nito ang life savings niya na nagkakahalaga ng P3 milyon.