-- Advertisements --

LA UNION – Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng San Juan Police Station kaugnay ng pagkamatay ng sikat na pintor sa isang resort sa bayan ng San Juan, La Union madaling araw noong Sabado September 18, 2021.

Una rito, natagpuan na lamang na hindi na humihinga si Breanna Patricia Jonson, 30 anyos, residente ng Malate, Metro Manila sa tinutuluyan nilang hotel sa Barangay Urbiztondo ng nasabing bayan.

Base sa impormasyon mula San Juan Police Station, nagpatulong ang boyfriend ng biktima na nakilala sa pangalan Julian Roberto Ongpin, 29-anyos, residente ng Ayala Extension, Makati City matapos nitong matagpuan ang biktima na walang malay.

Sa naging paliwanag ni Ongpin sa mga otoridad, dumating ito kasama ang biktima sa isang resort noong hapon ng September 17.

Pumasok umano ang biktima sa comfort room ngunit isang oras na ang nakalipas at hindi pa rin lumalabas si Bree kung kaya’t sinira na lamang umano nito ang pintuan kasunod ng paghingi ng tulong.

Bagama’t naitakbo pa ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon, inaantay pa ang pagsasailalim sa otopsiya sa bangkay ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.