-- Advertisements --
image 168

Nakatakda na raw isalang sa mandatory medical examination ang artistang si Vhong Navarro bago ilipat sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Ayon sa statement na ipinadala ng National Bureau of Investigation (NBI) kabilang na rito ang pagsasalang kay Navarro sa RT-PCR test bilang pagsunod sa health protocol.

Una rito, natanggap na raw ng NBI-Security Management Section ang order mula sa Regional Trial Court Branch 69 ang order para ilipat si Navarro sa Taguig City Jail – Male Dormitory, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Nahaharap si Navarro sa kasong panggagahasa matapos akusahan ng modelong si Deniece Cornejo na nangyari noong 2014 na mariing pinabulaanan ng actor.