-- Advertisements --

Desidido pa rin si Top Rank CEO Bob Arum na ituloy ang laban ni WBA world welterweight champion Manny Pacquiao at WBO world welterweight champion Terence Crawford.

Sinabi nito na, gumagawa na sila ng paraan para matuloy ang laban.

Aminado ito na isang hamon ngayon ang pagkakaroon ng coronavirus pandemic.

Hindi rin ito nagbigay ng katiyakan kung matutuloy ang nasabing laban basta depende lamang ito sa kalagayan ng mga bansa.

Magugunitang huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2019 ng talunin niya si Keith Thurman habang si Crawford ay nong magwagi itong maidepensa ang kaniyang titulo sa unanimous decision noong Disyembre laban kay Egidijus Kavaliasuskas.