-- Advertisements --

Dismayado umano ang Top Rank promoter na si Bob Arum dahil hindi na matutuloy ang June 5 fight ni Senator Manny Pacquiao laban sa American champion na si Terrence Crawford.

Ayon kay Arum, nabigo raw kasi ang Abu Dhabi government at iba pang mga investors na makatipon ng pera upang pondohan ang hinihinging premyo ni Pacman at ng kanyang alaga na undeafeted na si Crawford.

Sinabi pa ni Arum, kung tutuusin nagkapirmahan na raw sila sa kontrata at pumayag din ang 33-anyos na si Crawford na idepensa ang kanyang WBO welterweight crown sa 42-anyos na eight division world champion na si Pacquiao.

Kung natuloy daw sana ang bakbakang Pacquiao versus Crawford, ito ay magiging pay-per-view event sa ilalim ng ESPN Sports.

Sinasabing ang isyu pa rin sa pandemya ang pangamba ng mga sponsors na baka walang manood na mga fans.