-- Advertisements --

Duda si Top Rank CEO Bob Arum na inalok si Mexican boxer Juan Manuel Marquez ng $100-million para labanan si Manny Pacquiao sa ikalimang pagkakataon.

Sinabi nito na makailang beses na nilang inalok si Marquez ng hanggang $11 million noon pang 2013 para sa ikalimang pagkakataon subalit hindi na nito kinagat pa.

Naniniwala din ito na hindi na papatulan pa ni Marquez na labanan muli si Pacquiao dahil mas naisin nitong tamasain ang naging panalo nito noong 2012 ng mapatumba ang fighting senator.

Hinala din ni Arum na maaaring ang alok kay Marquez ay sa pamamagitan ng pesos at hindi sa dollar.