-- Advertisements --
Pinayuhan ni Top Rank promoter Bob Arum si Filipino world champion John Riel Casimero na kailangan muna nitong maghintay ng ilang araw bago makaharap niya si Naoya Inoue ng Japan.
Dagdag pa nito na kailangang mayroong mga audience sa laban para ito ay pumatok.
Mahalaga ang pagbebenta ng tickets para mabawi ang anumang gastusin sa ginagawang paghahanda sa laban.
Magugunitang kinansela ang laban ng dalawa noong Abril dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.
Tiwala pa rin si Arum na magiging prioridad pa rin i Inoue si Casimero kapag naayos na ang lahat.