-- Advertisements --
Napanatili ni Arvin Jhon “AJ” Paciones ang kaniyang World Boxing Association (WBA) Asia light flyweight title matapos na talunin si Xiang Li ng China.
Nakuha ng Cebu City native ang 12-round unanimous decision sa laban na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Ang 19-anyos na boksinger ay pinaburan ng tatlong judges na 119-109; 120-108 at 119-109.
Dahil dito ay wala pa itong talo sa 10 laban niya na mayroong limang knockouts at umakyatsa number 2 ang kaniyang puwesto WBA light flyweight division world rankings.