-- Advertisements --

Tinambakan ng NorthPort Batang Pier ang Converge FiberXers 135-109 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season ng Governors’ Cup.

Nanguna sa panalo ng Batang Pier si Arvin Tolentino na nagtala ng 51 points career-high.

Siya rin ang unang manlalaro na nakaabot ng 50-points kasunod ni Stanley Pringle noong ito ay naglalaro pa sa NorthPort.

Mayroon na ngayong dalawang panalo at isang talo ang NorthPort.

Nag-ambag naman ng 19 points at limang steals si Joshua Munzon habang si Jio Jalalon ay mayroong 13 points at dalawang steals.

Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Scotty Hopson at 19 points ni Alec Stockton para sa Converge.