-- Advertisements --

Babawi raw sa kanyang performance ang Alpine skier na si Asa Miller ang tanging Pinoy athlete sa ginaganap na Beijing Winter Olympics.

Sasabak si Miller sa men’s slalom bukas matapos ang nakakadismayang performance nitong nakalipas na Linggo sa giant slalom.

Nitong araw ay muling bumalik para mag-pratice si Miller sa National Alpine Skiing Centre upang makabisado ang lugar na sinasabing masyadong unpredictable ngayong winter season.

Gayunman nahaharap si Miller laban sa mga world-class athletes kabilang na ang tinaguriang “The Rocket” skier na si David Ryding mula sa United Kingdom.

Samantala, todo naman ang paalala ng American coach ni Millers na Will Gregorak, na ‘wag siyang magpadala sa pressure at sa halip magkaroon ng kumpiyansa sa kanyang kaalaman at angking galing.