Hindi nagtagumpay sa giant slalom event ng 2022 Beijing Winter Olympics ang nag-iisang pambato ng bansa na si Asa Miller.
Sa loob lamang kasi ng 21 segundo ng laro ay bigla na lamang bumagsak sa kumpetisyon ang 21-anyos na Filipino-American player sa first run nito.
Dahil dito ay hindi siya nakapasok sa top 50 ng mga manlalaro na ginanap sa National Alpine Skiing Center sa Xiaohaituo Mountain, China.
Noong 2018 Pyeongchang Olympics sa Korea sa unang sabak niya sa Winter Olympics ay nagtapos lamang ito ng pang-70th place.
Itinuturing na ang naging dahilan ng hindi nito pagtapos sa karera ay dahil sa masamang panahon kung saan may ibang 32 na manlalaro ang hindi rin nagtagumpay.
Mayroon kasing 89 na skiers ang nasa starting lists pero 54 na lamang ang naka-abanse sa ikalawang round.
Nagwagi sa nasaibng kumpetisyon si Marco Odermatt ng Switzerland na mayroong isang minute 2.92 seconds sa buong course na may taas na 424 meters.
Pinaghahandaan na ni Miller ang ikalawang event na kaniyang lalahukan sa Febrero 16 sa men’s slalom.