Pinawi ni Phivolcs Dir. Renato Solidum ang pangamba ng publiko sa naitalang 5.5 magnitude sa malaking parte ng Luzon kaninang madaling araw.
Ayon kay Solidum, walang aasahang tsunami dahil hindi makakalikha ng malalaking alon ang ganung uri ng lindol, kahit ang epicenter ay namataan sa karagatang sakop ng Jomalig, Quezon.
Gayunman, aasahan umano ang aftershocks, pero mahihina na lamang ito.
Bandang alas-4:52 nang yumanig ang nasabing lindol na umabot hanggang Pampanga sa Central Luzon, ilang parte ng Metro Manila at Southern Luzon, kasama na ang Bicol region.
Intensity IV – Guinayangan, Quezon
Intensity II – Marikina City; Navotas City; Quezon City
Intensity I- Muntinlupa City
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez and Mulanay, Quezon
Intensity II – Marikina City; Malolos City; Gumaca and Dolores, Quezon; Baler, Aurora
Intensity I – Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga.
Talisay, Batangas; Palayan City