-- Advertisements --
Asahang magpapatuloy sa halos buong linggo ang mga pag-ulang dala ng habagat sa malaking parte ng ating bansa.
Sa ngayon ay nakakaranas ng mga pag-ulan ang Central at Southern Luzon, pati na ang Western Visayas.
Maliban dito, lumakas naman ang bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), na may international name na tropical storm Peipah.
Huli itong namataan sa layong 2,565 kilometro sa silangan ng Northern Luzon.
May taglay itong 65 kph at may pagbugso ng hangin na 90 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph at maliit ang tyansang mag-landfall sa Pilipinas.