CEBU – Ikinatuwa ng pamilyang Lopez ang pag usad ng kaso kaugnay sa pagpaslang sa miyembro ng pamilya na si Angelie Lopez Kintanar.
Ito’y matapos na nakitaan ng ‘probable cause’ ng Prosecutor’s Office na masasampahan ng kaso ang asawa ng biktima na si Harold Carillo Kintanar.
Inihayag ni Analou Lopez ng makapanayam ng Bombo Radyo Cebu, magkahalong tuwa at kaba ang kanilang nararamdaman dahil dahan-dahan na umanong gumulong ang hustisya sa pagkakamatay ng kanilang kapatid.
Ayon kay Analou na mahaba pa ang kanilang pagdaanan nito at hindi nila alam ang magiging takbo ng kaso.
Gayunpaman, pinasalamatan ng pamilya ang mga pulis na tumulong sa kanilang pamilya upang mapapausad ang kaso.
Kabilang ng kanilang pinasalamatan ang Mandaue City Prosecutor’s Office at ang mga kaibigan ng pamilya na sumusuporta sa kanila.
Binigyang diin nito na hindi uurong ang kanilang pamilya sa pagkamit ng hustisya sa pagkakamatay ni Angelie na tinaga pa ang mga parte ng katawan nito at isinilid pa sa sako.