-- Advertisements --

Pumanaw na si Alexa Gutierrez ang asawa ng dating child star na si Elvis Gutierrez.

Ayon sa actress na si Ruffa ang kapatid ni Elvis na hindi na nakayanan ng 38-anyos na si Alexa ang kaniyang sakit na leukemia.

Sa social media account ng actress na labis ito ng nalulungkot dahil sa pagkamatay ng hipag kung saan isang mabuting ina, kapatid at kaibigan ang turing nito sa kaniya.

Isinilang bilang si Alexandra Joelle Uichico noong Hulyo 1, 1986 ay dating modelo bago naging negosyante.

Mayroon silang anak na dalawa na sina Aria at Ezra.

Bumuhos naman ang pakikiramay at pagdarasal mula sa kapwa artista mula ng kumalat ang balita.