-- Advertisements --

Arestado ng pulisya ang asawa ng isang Abu Sayyaf leader na hinihinala rin finance courier ng teroristang grupo sa ikinasang joint operation ng military at Philippine National Police (PNP) sa Barangay Tulay sa Jolo, Sulu.

Sa isang statement, sinabi ng Joint Task Force Sulu na naglabas ng search warrant ang law enforcement operatives kabilang na ang mga miyembro ng 35th Infantry Batallion at 7th Special Action Battalion ng Special Action Force (SAF) ng PNP kay Nursitta Mahalli Malud, na kilala rin bilang Kirsita Ismael.

Nakuhaan ng pulisya ng mga pampasabog at sangkap sa paggawa ng bomba ang naturang suspek.