LEGAZPI CITY – Pumanaw na rin ang asawa ng security escort ng pinatay na si dating Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.
Sa Facebook account ni Gertie Batocabe, biyuda ng pinaslang na mambabatas, nagpahayag ito ng pakikidalamahati sa pagpanaw ng asawa ni Sgt. Oliver Diaz na si Juvy na nabatid na isang guro.
Si Sgt. Oliver Diaz ang kasama ni Batocabe nang pagbabarilin sa isang gift-giving event sa Brgy. Burgos, Daraga, Albay noong Disyembre 2018.
Ayon kay Gertie, napakasakit na balita ang pagkamatay ni Juvy na isang ulirang ina sa mga anak at estudyante.
Pinuri rin nito ang pagiging matatag ng ginang sa pagtitiyak na nadaluhan ang lahat ng pagdinig sa kaso ng pinaslang na asawa.
Wala namang iba pang detalye na ibinigay ang pamilya ukol sa dahilan ng pagkamatay ng ginang.
“Received a very painful news that Juvy Diaz, wife of Sgt. Oliver Diaz and Rodel M. Batocabe’s slain bodyguard died this morning,” bahagi ng post ni Gertie.
“Juvs Diaz, I have known you as a dedicated mother to your children and students. You are a stronger person than me making sure you were present in all of the hearings of the murder case of our husbands. You were so determined with all that you have to see these murderers go to jail. You literally died of a broken heart and these evil people without souls has made four young children orphans now,” dagdag nito.
“So difficult to understand but go now to a better and more peaceful place as you join your husband in loving embrace. Lord grant unto them eternal rest.”