Itinangi ni Noemi Deng, asawa ng pinaniniwalaang Chinese sleeper agent na si Deng Yuangin na ang kaniyang mister ay isang spy.
Ayon kay Noemi, ang kaniyang mister ay sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas at nagtatrabaho para sa isang self-driving car technology sa pamamagitan ng pag-survey sa mga kalsada.
Nanindigan din si Noemi na ang kaniyang mister ay walang link o kaugnayan sa anumang espionage activities.
Pinangangambahan din nito ang magiging impact ng mga naturang alegasyon sa kaniyang pamilya, lalo na sa kanilang anak.
Una nang sinabi ng National Bureau of Investigation na ang grupo ni Yuangin ay nagtungo sa mga sensitibong lokasyon sa Pilipinas tulad ng mga military camp, seaport, airport, at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites upang kumuha ng mga sensitibong impormasyon.
Una na ring umapela si Movement for Restoration of Peace and Order president Teresita Ang-See ng patas na imbestigasyon para kay Deng, kasunod ng mga alegasyon laban sa kaniya.
Umaapela si Ang-See na payagan din si Deng na mabisita ng kaniyang mga kaanak at kakilala matapos umano siyang pagbawalang mabisita ng mga personnel mula sa Chinese embassy.