-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang beteranang country singer na si Dolly Parton dahil sa pagpanaw ng asawa nitong si Carl Dean sa edad 82.
Ayon sa kampo nito, namayapa ito sa kanilang bahay sa Nashville, Tennessee.
Naging pribado ang buhay ni Dean sa halog 60-taon nitong ikinasal kay Parton.
Inalala naman ng 79-anyos na country singer na nagkakilala sila ng asawa noong ito ay 18-anyos pa lamang.
Matapos naman ang dalawang taon noong Mayo 30, 1966 ay ikinasal sila sa isang private ceremony sa Ringgold, Georgia.
Noong sila ay ikinasal ay hindi ito nagpapakita sa publiko kasama ang singer at itinuon ang atensiyon niya sa kaniyang asphalt-paving business sa Nashville.