Humingi ngayon ng $28.5 million dollars o katumbas ng mahigit 1.5 billion pesos na settlement ang pamilya ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant laban sa ilang deputies at firefighters matapos kumalat sa internet ang mga sensitibong larawan ng mga katawan nito at ng kanyang anak na si Gigi Bryant na nasa mismong lugar kung saan bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter tatlong taon na ang nakakaraan.
Ang kabuuan ng halagang ito ay batay sa pinakabagong napagkasunduang kabayaran mula sa county na 13.5million dollars habang ang 15 million dollars naman ay una ng iginawad ng korte para sa balo ni Bryant na si Vanessa Bryant sa isinagawang trial noong Agusto.
Nag-ugat ang naturang kaso matapos umano’y ipakalat ng mga akusado ang sensitive images ng NBA star , kanyang anak na 13 years old at ilang biktima ng naturang helicopter crashed.
Iginiit naman ng mga deputies at mga firefighters na akusado na ang kanilang pagkuha ng mga larawan ay parte lamang ng kanilang isinasagawang imbestigasyon matapos ang trahedya.
Batay naman sa isinagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad laban sa mga akusado ay lumalabas na ibinahagi nila ang mga sensitibong larawan ng mga katawan ng biktima sa kanilang mga kaibigan, katrabaho at kapamilya hanggang sa kumalat na ito sa internet.
Ang paghahabol ng pamilya ni Bryant ay para na rin sa tatlong nabubuhay na anak na babae ni nito at iba pang mga gastos.
Inaasahan ng kampo ni Bryant aaprubahan ng korte ang proposed settlement nito na una ng inihain noong martes sa korte.