-- Advertisements --

Pumanaw na ang asawa ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos Sr. at nanay ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na si Corazon Abalos.

Sa isang Facebook post noong Lunes ng gabi, kinumpirma ng kanyang apo na si Mandaluyong City Councilor Charisse Marie Abalos-Vargas ang pagpanaw ng kanyang lola.

Hindi naman sinabi ni Abalos-Vargas kung ano ang sanhi nang pagpanaw ni Corazon, pero napaluat na noong Hulyo 2020 ay tinamaan ito ng COVID-19 kasama ang iba pang miyembro ng pamilya Abalos.

“Mama Cora, you were strength personified. Wala ang KKM, wala ang Mandaluyong Girl Scouts, if you didn’t build its foundations. Maraming nagmamahal sa inyo dahil alam nila na minahal mo din sila,” ani Abalos-Vargas.