-- Advertisements --
Kobe Bryant
Kobe Bryant/ IG post

Nagsilang ng isang malusog na batang babae ang asawa ni NBA star Kobe Bryant.

Sa kaniyang social media account, inanunsiyo ng dating Los Angeles Lakers ang pagsilang ng asawang si Vanessa sa ikaapat na anak nila.
Pinangalanang itong si “Capri Kobe Bryant”.

Makakasama na ni Capri Kobe Bryant ang tatlong mga kapatid nito na sina Natalia, 16-anyos, Gianna, 13 at Bianka na 2-anyos.

Hindi lamang ito ang unang NBA star na isinunod ang pangalan nila sa anak nilang babae dahil noong 2015 ay ipinangalanan ni Iman Shumpert ang anak nitong babae na si Iman Jr.