-- Advertisements --

Pumanaw na si Leonardo “Remy” Monteverde ang asawa ng kilalang film producer ng bansa na si Mother Lily Monteverde.

Ayon sa kampo nito na namayapa si Lenoardo sa edad na 86 dahil sa sakit na pneumonia.

Dating basketball player ng San Beda high school si Monteverde na isinilang noong Disyembre 25, 1937.

Kasalukuyang nakaburol ito sa 38 Valencia Events Place in Quezon City ng hanggang Agosto 2.

Nagpaabot naman ng pakikiramay at pagdadalamhati ang maraming showbiz personalities sa pagpanaw ng asawa ng killaang film producer ng bansa.