-- Advertisements --

Diretsahang inakusahan ng asawa ng namayapang Russian opposition leader Alexey Navalny na si Yulia Navalnaya si Russian President Vladimir Putin na nasa likod ng pagpatay sa asawa nito.

Sinabi nito na pinatay ng Russian President ang ama ng kaniyang mga anak kung saan tinanggal nito ang pinakamalapit na tao sa kaniya.

Itinatago umano ng mga otoridad ng Russia ang bangkay ng asawa para mapagtakpan ang pinakasanhi ng kamatayan nito.

Giit nito na hindi siya titigil sa pagtatrabaho para ibunyag ang anumang anomalya sa gobyerno ng Russia.

Magugunitang iniulat ng otoridad sa Russia na pumanaw na si Navalny habang ito ay nakakulong.

Umani ng batikos ang pagkasawi ni Navalny dahil ang itinuturo nilang nasa likod nito ay si Putin na paraan ito ng kaniyang pagpapatahimik sa mga kontra sa kaniya.